May 300 gallon ng tubig ang inihatid ngayong araw sa Bicol Region sakay ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mula sa Villamor Air Base, lumapag ang C-130 plane sa Naga City, Camarines Sur.
Kahapon, nauna nang nakapaghatid ng 400 gallon ng tubig ang DSWD para sa kabuuang 700 gallon ng tubig para sa Bicol Region.
Tugon ito ng DSWD sa kahilingan ng Provincial Government ng Camarines Sur dahil sa kakapusan ng suplay ng maiinom na tubig sa lalawigan.
Kasabay nito,nagkakarga din ng family foodpacks ang mga volunteer personnel ng Philippine Coast Guard sa mga truck mula sa Visayas Disaster Resource Center sa Cebu.
Target ng DSWD na makapaghatid ng 11,000 kahon ng FFPs sa Pasacao, Camarines Sur lulan ng BRP Teresa Magbanua na nakadaong sa Pier 2 ng Port of Cebu.| ulat ni Rey Ferrer