Abot na sa siyamnapu (90) ang bilang ng mga nasawi sa nagdaang Bagyong Kristine.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.
Sa kabuuang bilang, siyam (9) pa lang ang kumpirmado habang bineberepika pa ang iba pang ulat ng nasawi .
Aabot namansa pitumput-isa (71) ang bilang ng mga nasugatan at tatlumput-anim (36) ang nawawala pa.
Batay sa datos, lumobo na sa 1.4 million pamilya ang naapektuhan ng bagyo o 5.7 million na indibidwal sa buong bansa.
Nasa Php 1.4 billion na ang pinsala sa agrikultura at Php 800 million sa imprastruktura.| ulat ni Rey Ferrer