Nakiisa si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson at Tingog Partylist Representative Jude Acidre sa pagsalubong ng mga opisyal ng pamahalaan sa 290 na Pilipinong ligtas na narepatriate mula Lebanon.
Sa kanilang pag-uwi ay nagpaabot ang pamahalaan ng tulong pinansyal upang makapagsimula muli sa kanilang pagbabalik bansa.
Kada repatriate ay may tulong pinansyal na P75,000 mula sa AKSYON Fund ng DMW, P75,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at P20,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mayroon din silang libreng medical consultations, psychological support, at access sa pangkabuhayan program.
Ang Tingog Party-list, nagpaabot din ng tulong sa pamamagitan ng “Ayuda sa Kapos ang Kita” (AKAP) program, educational support sa ilalim ng Tulong Dunong Program ng Commission on Higher Education (CHED), at pangkabuhayan para sa pagsisimula ng maliit na negosyo.
Diin ni Acidre, ang mga OFW ang nagsisilbing backbone o sandigan ng marami sa mga komunidad at nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang kanilang kaligtasan.
“Tingog Partylist, alongside our partner agencies, is dedicated to providing the vital support needed to help our repatriated Filipinos and their families make a safe and smooth transition back home.” ani Acidre.
Kasabay nito ay pinuri ng mambabatas ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang commitment na pangalagaan ang kapakanan ng mga OFW.
“I commend President Bongbong Marcos for his unwavering commitment to the welfare of our OFWs, which has been instrumental in facilitating this repatriation effort.” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes