Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng psychosocial services at pinansyal na tulong sa mga pamilyang namatayan sa kasagsagan ng Bagyong Kristine.
Sa tala ng DSWD-CALABARZON, may 24 katao ang nasawi habang 23 ang nawawala pa.
Ayon kay DSWD-Calabarzon Regional Director Barry Chua, isinailalim na sa counseling at psychosocial aid ang mga naulilang pamilya ng pitong nasawi mula sa Talisay, Batangas.
Bukod dito, nagpaabot din ng P200,000 ang ahensya bilang tulong pinansyal sa mga pamilya.
Sa mga namatay, 19 ay mula sa lalawigan ng Batangas, tatlo mula sa Laguna at tig-isa mula sa Cavite, Rizal at Quezon.
Binigyan na rin ng financial aid na P10,000, at psychosocial support ang pamilya ng apat na namatay sa landslide ss Caramoran, Catanduanes. | ulat ni Rey Ferrer