Aabot na sa 18,000 na food packs ang naipamahagi ng Ako Bicol party-list at tanggapan ni Speaker Martin Romualdez sa kabuuan ng Bicol para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine.
Nasa 12,218 dito ay sa pakikipagtulungan ng DSWD habang ang 5,793 ay galing mismo mula sa Ako Bicol.
Naipagkaloob ito sa 19 na barangay sa Albay, Camarines Sur, at Sorsogon.
Nakapagpaabot din ng 500 kumot at 2,000 modular evacuation tents para sa mga evacuees.
Kasama ring natulungan ang 800 indibidwal na nakatanggap ng malinis na tubig, kasama rin ang nasa 20 pamilya mula Malilipot, 500 indibidwal sa Tabaco Port at 642 na iba pa sa Sorsogon.
Agad din tumugon si Speaker Romualdez sa hiling ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na dagdag na 20 rubber boats na may outboard motors at iba pang rescue equipment.
“These tools were vital as we faced severe flooding that displaced thousands of our kababayans. We are deeply grateful for Speaker Romualdez’s prompt action.” sabi ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co
Para naman makapaghatid ng kaunting saya sa mga bakwit, nakipag tukungan ang Ako Bicol sa mga sikat na social media influencers sa pagpapa abot ng relief goods
Kabilang dito sina Boss Toyo, Daddy Blue, at Bullet.
“Nandito kami hindi lang para magbigay ng tulong, kundi para ipaalala sa ating mga kababayan na may kasama sila sa kanilang laban… Sama-sama, babangon tayo.” dagdag ni Co.
2,000 pamilya mula Legazpi City ang nabigyan ng relief packs kasama sila.
“Nakakatuwang makasama ang Ako Bicol Party-List dito. Nakakabilib ang dedikasyon ni Cong. Zaldy at ng lahat ng bumubuo ng Ako Bicol para sa pagtulong sa kanilang mga kababayan dito sa Bicol… napakalaking bagay.” sabi ni Boss Toyo. | ulat ni Kathleen Forbes