Pilipinas, maari nang mag-avail sa disaster fund ng multilateral organizations at mag-claim sa National Indemnity Insurance Program upang magamit sa post disaster efforts sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine, nakahanda ang Department of Finance (DOF) na i-tap ang ilang multilateral organizations at international resources para magamit sa post-disaster operations ng gobyerno.

Ayon sa DOF, kabilang dito ang $500 million na standby credit line ng World Bank. Ito ay nagsisilbing Rapid Response Option Facilities para suportahan ang Pilipinas sa disaster relief at rehabilitation.

Una nang sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na kapag nagdeklara na ang Pangulo ng State of Calamity ay maari nang i-withdraw ito ng DOF.

Maari ding gamitin ang post disaster standby financing ng Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency bilang quick disbursing budget support sa bansa.

Para naman sa mabilisang pagsasaayos ng mga public schools na sinira ng bagyo, ayon sa DOF, pwede nang mag-claim ang Bureau of Treasury sa National Indemnity Insurance Program (NIIP).

Ang NIIP ay idinesenyo para magkaroon ang bansa ng insurance coverage sa mga government assets at mapalakas ang financial resilience laban sa mga kalamidad. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us