Nag-commit ng suporta ang United States Department of the Treasury para sa pagpapalakas ng tax at customs administration ng Pilipinas.
Sa high level meeting ni Finance Secretary Ralph Recto sa US Treasury senior officials, na-secure nito ang tulong ng Amerika upang itaas ang debt market liquidity resilience ng bansa.
Ayon kay US Treasury for International Affairs Undersecretary Jay Shambaugh, simula noong 2015 ay katuwang na sila ng Pilipinas para paghusayin ang primary dealer system, liability management instrument, at modern financial market infrastructures para sa securities ng gobyerno.
Nagkasundo rin ang PIlipinas at America na kapwa tuklasin ang iba pang potential partnership para i-improve ang fiscal management ng bansa.
Kabilang dito ang possible collaboration ng bagong debt-for-nature at debt-for-climate arrangement upang pondohan ang ating global climate commitments.
Ayon sa DOF, simula pa noong 2022 may kasunduan ang dalawang bansa sa dalawang “debt for nature swaps” na nagkakahalaga ng $40 milion, kung saan pinahihintulutan nito na i-redirect ang utang ng bansa sa U.S. sa pag-aalaga ng kagubatan, biodiversity, at climate action. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes