Higit 300,000 indibidwal, nananatili pa rin sa evacuation centers kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng bagyong Kristine.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon pang higit sa 90,000 pamilya o katumbas ng 337,423 indibidwal ang nananatili sa higit 2,800 evacuation centers.

Karamihan sa mga ito ay mula sa Batangas, Bicol, at Eastern Visayas Region.

Bukod pa ang bilang na ito sa higit 86,000 displaced families na nakikitira sa kanilang mga kaanak.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng ₱267-milyong halaga ng humanitarian assistance.

Aabot na rin sa 609,137 family food packs ang naipamahagi ng ahensy sa 16 na apektadong rehiyon.

Bukod sa family food packs, nagsimula na ring mamahagi ng cash aid ang DSWD sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyo.

Nagpaabot na rin ito ng tulong pinansyal para sa pamilya ng mga nasawing biktima ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Tiniyak ng DSWD na patuloy ang koordinasyon nito sa mga pamilya at local government units (LGUs) para sa pagbibigay pa ng iba pang tulong suporta na kailangan upang maibsan ang pinsalang dulot ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us