Presyo ng mga highland vegetables sa Marikina Public Market, nagsisimula nang tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumaas na ang presyo ng ilang gulay galing Norte sa Marikina Public Market.

Ito’y ilang araw lang matapos manalasa ang bagyong Kristine sa bansa.

Ang Repolyo at Pechay Baguio ay sumipa na sa ₱100 ang kada kilo mula sa dating ₱60 – ₱70.

Talong ay nasa ₱120 ang kada kilo mula sa dating ₱80 hanggang ₱90.

Ang Carrots, pumalo na sa ₱130 ang kada kilo mula sa dating ₱90 hanggang ₱100.

Nananatiling mahal ang presyo ng Sibuyas na nasa ₱120 gayundin ang Bawang na nasa ₱150.

Sa presyo naman ng manok, naglalaro ito sa ₱210 hanggang ₱220 ang kada kilo.

Gumalaw na rin ang presyo ng isda gaya na lamang ng Galunggong na nasa ₱250 ang kada kilo.

Bangus ay nasa ₱240 ang kada kilo, Tilapia ay nasa ₱110 ang kada kilo, at Tamban ay nasa ₱120 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us