Pinaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang mga residente nito na may yumaong ka-anak na nakahimlay sa mga sementeryo na linisin na ang kanilang mga puntod.
Ito’y dahil sa hanggang October 30 na lamang maaaring magdala ng mga panlinis ng mga nitso upang bigyang daan ang iba pang mga pagawain para sa UNDAS.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa San Felipe Catholic Cemetery, maaaring magpunta ang mga nagnanais maglinis ng puntod mula 6AM hanggang 6PM.
Pero pagsapit ng November 1 at November 2, bukas ang naturang himlayan mula 6AM hanggang 7PM.
May nakabantay dito na mga Pulis para tiyakin ang seguridad ng himlayan habang may mga tauhan din mula sa MMDA ang naglilinis naman sa paligid.
Samantala, may ilang kababayan naman ang nakakita ng pagkakataon upang maitawid ang kanilang pangaraw-araw na pagkain sa pamamagitan ng paglilinis ng nitso.
Kagaya ni Aling Elizabeth na 25 taon nang naglilinis ng mga nitso na kumikita ng 300 kada nitso. | ulat ni Jaymark Dagala