3 dam sa Luzon, patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nagbabawas ng tubig ang tatlong malalaking dam sa Luzon kasunod ng ulang ibinagsak ng bagyong Kristine.

Kabilang sa mga dam na nagpapakawala pa rin ng tubig ay ang Ambuklao Dam at Binga Dam sa Benguet pati na ang Magat Dam sa Isabela.

Sa 8am update ng PAGASA Hydromet, dalawang gate pa rin ang nakabukas sa Ambuklao at Binga Dam dahil sa malapit pa rin ang kasalukuyang antas nito sa high water level ng dam.

Isang gate naman ang nakabukas sa Magat Dam na may dalawang metrong opening.

Sa ngayon, nasa 188.55 meters ang lebel ng tubig sa Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us