Muntinlupa LGU, naglabas na ng paalala para sa Undas 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang mga residente nito na makikibahagi sa Undas 2024.

Ayon sa anunsyo dapat tandaan at sumunod sa mga patakaran sa mga sementeryo para mapanatiling ligtas at maayos ang pagbisita sa mga pampublikong libingan.

๐Ÿ•• Bukas ang pampublikong sementeryo mula 6 AM hanggang 8 PM sa October 31 at November 1.

๐Ÿšซ Mahigpit na ipinagbabawal ang alak, matutulis na bagay, madaling masunog na materyales, gamit sa sugal, o sound system.

๐Ÿ—“๏ธ Ang paglilinis at pag-aayos ng mga puntod ay pinapayagan lamang hanggang October 28.

โšฐ๏ธ Walang libing o cremation mula October 31 hanggang November 2, except for special cases.

๐Ÿš— Bawal mag-park malapit sa sementeryo (para sa Libingang Panlungsod ng Muntinlupa).

๐Ÿ“ž I-save ang mga numerong ito sa oras ng emergency:
Hotline: 137-175

Dapat anilang Gunitain ng mapayapa at magalang ang Undas.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us