Nasa Naga City na ang Rapid Deployment Team ng Offie of Civil Defense (OCD) para mamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Kristine.
Ayon kay OCD Executive Director, USec. Ariel Nepomuceno, bitbit ng kanilang team ang relief goods at iba pang kagamitan na kailangan ng mga apektadong residente roon.
Kabilang na rito ang mga kitchen kits, shelter repair kits, family food packs, medical supplies at malinis na inuming tubig.
May karagdagang tauhan din na ipinadala para umalalay sa Emergency Operations Center gayundin sa pagbibigay ng logistical assistance.
Batay sa pinakahuling datos ng OCD-NDRRMC, papalo na sa mahigit 1.6 na milyong pamilya o katumbas ng mahigit 6.7 milyong indibiduwal ang apektado ng bagyong Kristine sa buong bansa.
Habang nasa 700 milyong piso naman ang kabuuang tulong na naipagkaloob ng Pamahalaan sa mga apektadong residente. | ulat ni Jaymark Dagala