Paglipat ng pamamahala ng NCIP sa Office of the President, suportado ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglilipat ng pamamahala ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Office of the President (OP).

Batay ito sa inilabas na Executive Order No. 71, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong nakaraang Oktubre 22.

Ang paglilipat ng pamamahala ay nauna nang napag-usapan sa pagitan ng DSWD at OP kung saan nag-endorso ng dalawang resolusyon ang National Anti-PovertyCommission-
Indigenous People’s Sectoral Council (NAPC-IPSC).

Ang NCIP ay naging isa sa tatlong supervised agencies sa ilalim ng DSWD batay sa Executive Order No. 67 series of 2018.

Layon nitong mapagtuunan at mapalakas ang democratic at institutional framework ng Executive Department.

Kabilang din sa mga ahensyang ito ang NAPC at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP). | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us