Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na reserba ng family food packs ang lalawigan ng Batanes na inaasahang tutumbukin ng Bagyong Leon.
Sa pinakahuling report mula sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) nakapaglulan na ng halos 5,500 kahon ng FFPs sa Coast Guard vessel na ihahatid patungong Batanes.
Inaasahang darating ang barko ng PCG sa Batanes sa Oktubre 30 o Oktubre 31 depende sa lagay ng panahon.
Base sa records ng NROC, mayroong 1,658 kahon ng FFPs ang naka-preposition na sa Batanes, habang may 674 sa Itbayat; 387 sa Sabtang; 46 sa Ivana at 551 naman sa Uyugan.
Dagdag pa rito ang mga water filtration kit na hinatid na sa Batanes Local Government Unit.| ulat ni Rey Ferrer