Kinumpirma ng Quad Committee chairs na nasa ospital ngayon si dating PCSO General Manager Royina Garma.
Ayon kay Manila Rep. Benny Abante, co-chair ng komite, hiniling aniya ng abogado ni Garma na matingnan siya ng mga doktor dahil kailangan nito ng immediate attention.
Dahil dito ay pinahintulutan aniya siya ng komite na magpatingin sa Cardinal Santos.
Kinumpirma rin ito ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez.
Aniya, October 22 pa hiniling ni Garma na makapagpatingin dahil sa iniindang sakit sa likod at leeg.
Ngunit hindi agad napagbigyan dahil sa dapat ay may pag-dinig sila.
Sabi ni Fernandez, hirap umano sa paglunok si Garma at nais magpatingin dahil na ri nsa may history ng esophagial cancer sa kanilang pamilya.
Sabi naman ni Fernandez na hindi ito makaka apekto sa pagdinig ng Quad Comm dahil sa Nobyembre pa naman aniya marahil sila magsasagawa muli ng pulong.
Kaya naman may sapat pang panahon si Garma na magpatingin sa doktor.| ulat ni Kathleen Forbes