Naghain ng petition for disqualification sa Commission on Elections (Comelec) si Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa kanyang katunggali.
Sa petisyon ni Sotto, iginiit niya na dapat ay ma-disqualify si Cezara Rowena Descaya, dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng koneksyon sa joint venture ccompany ng Miru System Company Limited.
Ang Miru System Company Limited ang technology provider ng Comelec para sa 2025 Midterm elections.
Sabi ni Sotto, si Descaya ang may-ari ng St. Gerard Construction Company na may koneksyon sa St. Timothy, ang financial partner ng Miru System Company Limited.
Malakas daw ang hawak niyang mga ebidensya na magpapatunay na konektado si Descaya sa Miru System, kung kaya’t dapat lamang itong ma-disqualify sa pagiging kandidatong alkalde ng Pasig City. | ulat ni Michael Rogas