Nilinaw ng Malacañang na walang katotohanan ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling talamak ang krimen sa Pilipinas.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, base sa datos mula sa Philippine National Police (PNP), nakakita ng malaking pagbaba sa pigura ng krimen sa bansa.
“With due respect to former President Rodrigo Duterte- there is no truth to his statement that crime remains rampant in the country. Statistics from the Philippine National Police (PNP) shows the complete opposite. There has been a widespread decline in crime across the board.” —ES Bersamin.
Bukod dito, nakamit rin aniya ng Pilipinas ang katatagan at napanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa, nang hindi naisasantabi ang due process o human rights ng sino mang Pilipino.
“Moreover, we have achieved stability and maintained peace and order in our country without foregoing due process nor setting aside the basic human rights of any Filipino.” —ES Bersamin.
Ang insidente aniya na partikular na binanggit ng dating pangulo kaugnay sa drug raid na isinagawa sa San Miguel, Manila ay outdated information na.
Paglilinaw ng kalihim, may isang suspect ang naaresto at mayroong mga nasabat na drug paraphernalia mula sa nasabing operasyon.
“Further, the incident which the former President cited- of a drug raid in San Miguel, Manila- is based on outdated information. In that case, one suspect was arrested, drug paraphernalia was seized, and his partner is now being pursued by law enforcement.” —ES Bersamin.
Sabi ng kalihim, ilan lamang ang mga halimbawang ito na nagpapatunay na mas ligtas na ang bansa, mas secure ang publiko, at mas sigurado ang hinaharap ng mga Pilipino sa ilalim ng pamununo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“All of this shows that our country is safer, our people more secure, and our future more assured than ever before under the stewardship of President Ferdinand Marcos Jr.” —ES Bersamin. | ulat ni Racquel Bayan