Welcome para kay Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang pagsiguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na aralin muli ang pagbuhay sa Bicol River Basin Development Program (BRBDP) bilang tugon sa pagbaha sa Bicol region.
Kasunod ito ng pasasalamat sa mabilis na pagtugon ng administrasyon sa pagpapaabot ng tulong para sa mga residente ng CamSur na lubhang apektado ng pagbaha dulot ng bagyong Kristine.
Giit ni Villafuerte, 1973 pa itinutulak ng noo’y dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ang flood mitigation program para sa Bicol River.
“On behalf of the people of CamSur, I thank President Marcos for visiting our ravaged province last weekend and his quick action on our earlier appeal for assistance for our people reeling from the above-head or even roof-level floods resulting from the ‘Kristine’-induced heavy rainfall that was seen as the worst experienced in our region in 30 years,” sabi ni Villafuerte.
Sabi ng mambabatas, na ang pagbisita ng Pangulong Marcos sa kanilang probinsya para personal na ipaabot ang tulong ng pamahalaan ay nagbigay pag-asa sa kanilang mga Bicolano.
Naniniwala ang Bicolano solon na kung maisakatuapran ang flood mitigation project na ito ay makaka benepisyo ang nasa higit 900 baranggay.
“We in CamSur also welcome the President’s directive to the DPWH to revisit and likely revive the long-discontinued BRBDP as the long-term solution to finally address the chronic flooding of the BRB (Bicol River Basin), which covers 963 barangays in 50 municipalities and cities in CamSur, Albay and Camarines Norte,” sabi pa niya
Kasabay nito ay nagpasalamat din si Villafuerte kay Speaker Martin Romualdez sa pagpapadala rin ng relief assitance, hindi lang sa CamSur ngunit maging sa iba pang bahagi ng bansa na sinalanta ng bagyo.
Gayundin sa higit 1,000 volunteers na tumutulong sa provincial government para sa rescue at relief efforts ng lalawigan. | ulat ni Kathleen Forbes