Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng kaniyang administrasyon na labanan ang kagutuman at kahirapan sa bansa.
Sa presentasyon ng kalalagda lamang na Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Joint Memorandum Circular (October 28), sinabi ng Pangulo na ang hakbang na ito ay pagpapakita ng determinasyon ng pamahalaan na tuparin ang pangako nito na wala dapat ni-isang Pilipino ang matutulog nang gutom.
“Here at the Presentation of the Signed Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty or EPAHP Joint Memorandum Circular, we gather to renew a promise: that no Filipino should go to bed hungry, and that no community will be overlooked in our fight against poverty.” —Pangulong Marcos.
Sa pamamagitan aniya ito, mapaiigting ang farm productivity ng bansa, habang nailalapit ang mga magsasaka, mangingisda, at iba pang food producers, sa malalaking merkado.
“Sa sama-sama nating pagkilos, darating din ang kinabukasan kung saan ang gutom ay isang malayong alaala na lamang.” —Pangulong Marcos.
Bagay na, ayon sa Pangulo, sisiguro sa kita ng agri workers, kasabay ng pagtitiyak na mayrong access sa masustansyang pagkain ang mga bata at mga ina.
“Through this, we can improve farm productivity, link farmers, fisherfolk, other food producers to larger markets, provide secure income—ensuring that our children, our mothers, our most vulnerable have access to nutritious food,” —Pangulong Marcos.
Sa pamamagitan ng paglagda sa JMC, napagtibay ang balikatan ng 34 na ahensya, mula sa national agencies, hanggang sa international organization, na gawing reyalidad ang zero hunger sa Pilipinas.
“We are also setting the guidelines for the adoption and implementation of the EPAHP Program by national and local governments as well as partners to harmonize programs, projects, and activities under this initiative. At the core of this partnership lies our approach: we provide credit and insurance assistance and directly connect community-based organizations or CBOs to government feeding programs and to broader markets.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan