Pormal nang nilagdaan ang kasunduan para sa libreng legal na tulong sa mga guro at kawani ng mga pampublikong paaralan.
Lumagda ngayong araw ang Department of Education (DepEd) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa isang Memorandum of Agreement (MOA).
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang pakikipagtulungan sa IBP ay makatutulong sa mga guro at sa mga non-teaching personnel na magkaroon ng access sa legal na payo ukol sa iba’t ibang usapin.
Kabilang sa mabebenepisyuhan ng kasunduang ito ang administrative officers, accountants, clerks, at bookkeepers sa mga paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa kabuuan, mahigit 800,000 guro at higit 100,000 non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan ang matutulungan ng MOA. | ulat ni Diane Lear