Pinuri ng World Bank ang Pilipinas sa tagumpay na nakamit sa job creation at poverty reduction.
Sa pulong ni Finance Secretary Ralph Recto at World Bank Group Managing Director of Operations Anna Bjerde, napag-usapan ang rapid economic growth ng bansa kung saan nakuha ang 4% na kabawasan sa unemployment rate.
Ayon kay Bjerde, kapuri-puri din ang pagsisikap ng gobyerno na mapalakas ang gender inclusion sa finance, social protection programs at digitalization.
Kinilala ng WB official ang Philippine leadership sa disaster response bilang unang bansa na lumagda sa Rapid Response Option agreement sa multilateral organization kung saan sinundan ng 25 mga bansa.
Dagdag pa ni Bjerde, may inilunsad sila ngayong high-level Advisory Council na pakikinabangan ng PIlipinas upang paghusayin ang job market nito. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes