Ipinunto ni human rights lawyer Atty. Chel Diokno ang terminong ginagamit ng Philippine National Police (PNP) noong sa war on drugs na ‘negate’ at ‘neutralize’.
Sa pagdinig ng Senate blue ribbon subcommittee, sinabi ni Diokno na base mismo sa pambansang pulisya, ang ibig sabihin ng neutralize ay pinatay.
Ipinunto ni Diokno na makailang beses na ginamit sa mga police reports kaugnay ng project double barrel ang salitang ito.
Nakita aniya nila sa patter ng programa kung saan una ay tutukuyin ang suspek na target for immediate apprehension and neutralization.
Dumepensa naman si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pahayag ni Diokno.
Ayon kay Dela Rosa, nauuwi lang aniya sa pagpatay ang mga operasyon ng pulis kapag nanlaban ang mga suspek para madepensahan ng nila ang kanilang mga sarili.
Natanong rin ang mga dating naging hepe ng PNP tungkol dito.
Sinabi ni dating PNP chief Archie Gamboa, ang neutralization ay hindi agad nangangahulugan na pagpatay kapag tiningnan sa buong konteksto ang paggamit ng salitang ‘neutralization’. | ulat ni Nimfa Asuncion