San Juan City Mayor Francis Zamora, nagsagawa ng inspeksyon sa San Juan Cemetery bilang paghahanda sa Undas 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang San Juan City Cemetery para sa inaasahang pagdagsa ng mga tao ngayong Undas.

Nagsagawa ng inspeksyon si San Juan City Mayor Francis Zamora kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan kaninang umaga.

Ito’y para tingnan ang latag ng seguridad sa sementeryo at kalinisan ng mga pasilidad nito.

Ayon kay Zamora, naglatag sila ng mga panuntunan para sa Undas.

Kabilang na ang mahigpit na ipinagbabawal ang mga magtitinda na walang special permit.

Ang oras ng pagbisita sa sementeryo ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi lamang, at hindi pinapayagan ang overnight stay.

Ipinagbabawal din ang pagdadala ng mga baril, matatalas na bagay, alak, ipinagbabawal na gamot, at mga bagay na lumilikha ng ingay tulad ng radyo at stereo.

Bukod sa San Juan City Cemetery, nakahanda na rin ang St. John the Baptist Columbary at Santuario del Sto. Cristo Crypt para sa Undas. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us