Nagsimula na ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee tungkol sa war on drugs ng bansa, partikular sa ipinatupad ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Present sa pagdinig ngayong araw si dating Pangulong Duterte.
Ayon sa dating presidente, dumalo siya sa pagdinig ng Senado para magkaroon ng accounting sa kanyang mga ginawa noong siya pa ang Panuglo ng bansa.
Sinabi ni Duterte, na ginawa lang niya ang kanyang ginawa noon para protektahan ang mga Pilipino at ang Pilipinas.
Umaasa rin siya na magiging patas ang pagtrato ng senado sa pagtalakay sa isyu, at ang taumbayan na aniya ang huhusga sa kanyang drug war.
Present rin sa pagdinig si dating Senador Leila de Lima…
Aminado si de Lima na mayroon siyang ‘mixed feelings’ sa pagdalo sa senate hearing, una dahil naaalala niya ang mga ginawa sa kanya dati.
Sa kabilang banda, nagkakaroon rin aniya siya ng pag asa na maaaring magsimula na ang hustisya at accountability sa hearing.
Samantala, ibinahagi naman ni Senate Blue Ribbon Subcommittee Chairperson Senator Koko Pimentel, hindi nakadalo sa pagdinig ng senado si dating PCSO General Manager Royina Garma dahil sumasailalim ito ngayon sa check up habang si dating NAPOLCOM Chief Edilberto Leonardo naman ay nagpositibo sa COVID-19. | ulat ni Nimfa Asuncion