Dating Pangulong Duterte, inako ang legal na responsibilidad sa mga nagawa ng mga pulis sa war on drugs ng kanyang administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa mga nangyari sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee, ipinahayag ni Duterte na siya lang ang dapat managot at makulong sa lahat ng nagawa ng mga pulis sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Giit ng dating presidente, hindi naging madali ang kanyang trabaho bilang pangulo at ginawa niya ang lahat para matugunan ang problema sa iligal na droga.

Sa kabila nito, hindi aniya siya magso-sorry sa war on drugs na ipinatupad sa ilalim ng kanyang pamumuno, dahil para aniya ito sa kapakanan ng mga Pilipino at ng taumbayan.

Hindi aniya niya pinayagan ang pang aabuso ng mga pulis.

Gayunpaman, kahit pa noong nagtuturo pa lang siya sa police academy ay turo na niya na kapag nalagay sa alanganin ang buhay nila sa operasyon ay umaksyon sila para depensahan ang kanilang sarili.

Una dito, sinabi ni Duterte sa mga senador, na hindi siya dapat ituring na presidente o kaibigan sa pagdinig kung hindi bilang witness para lumabas aniya ang katotohanan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us