Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 645 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 135 km/h.
Nakataas ngayon ang Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
๐๐๐๐ผ๐ป
Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Aurora, northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real), Camarines Norte, eastern portion ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay), Catanduanes, eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito), at northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat)
๐ฉ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐
eastern portion ng Northern Samar (San Roque, Pambujan, Catubig, Laoang, Palapag, Gamay, Lapinig, Mapanas, Mondragon) at northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)
Nakataas na rin ang gale warning sa seaboard ng Northern Luzon t eastern seaboards ng Central at Southern Luzon.
Sa forecast track ng PAGASA, inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa huwebes ng gabi o maagang umaga ng Biyernes, November 1.
Inaasahan din ang mabilis na pag-intensify ng bagyo na maaaring umabot sa typhoon category sa loob ng susunod na 12 oras.
Una nang pinayuhan ng PAGASA ang mga magtutungong Norte sa Undas na maaga nang bumiyahe nang hindi abutan ng malalakas na ulan. | ulat ni Merry Ann Bastasa