Nakipagpulong sina Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona sa matataas na opisyal ng international credit rating agencies.
Nagbigay ng pinakabagong update ang economic managers tungkol sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipias at plano para sa fiscal consolidation.
Layon din ng pulong na isulong ang target na patasin ang credit rating ng bansa
Sa kasalukuyan, may mataas na credit rating ang Pilpinas mula sa Fitch (BBB) Moody’s (BAA2) at ang S&P na (BBB) — na nagpapakita ng matatag na tiwala sa maayos na patakaran sa ekonomiya at pananalapi.
Ayon sa DOF, importante ang mataas na credit rating dahil mas madali ang pag-access ng PIlipinas sa murang financing mula sa development partners at international capital market, mas makaaakit ng mga foreign investors, access para pondohan ang infrastructure, at socio-economic projects, job opportunites, at poverty reduction.
Ang pagpupulong ay ginanap kasabay ng annual meeting ng International Monetary Fund at World Bank. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes