Mayroon pang 38 electric cooperatives (ECs) sa bansa ang nananatiling apektado ng hagupit ng bagyong Kristine batay sa pinakahuling tala ng National Electrification Administration (NEA).
Ayon sa NEA, 28 ECs pa ang patuloy na nagpapatupad ng partial power interruptions.
Ang ilan namang kooperatiba ay hirap pang makabalik sa normal na operasyon, kabilang ang CENPELCO, ISELCO 2, CAGELCO 1, IFELCO, MOPRECO, ZAMECO 1, PALECO, AKELCO, at NONECO.
Kaugnay nito, iniulat din n
g NEA na aabot na sa ₱38.3-million ang halaga ng pinsalang inabot ng mga
power infrastructure kasunod ng pagtama ng bagyong Kristine. | ulat ni Merry Ann Bastasa