Nagpaalala ang Navotas LGU na hanggang bukas na lang, October 30, ang huling araw ng paglilinis ng mga puntod sa sementeryo sa lungsod.
Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga bibisita sa Navotas Public Cemetery at NavoHimlayan Crematorium and Columbarium ngayong Undas.
Ayon sa pamahalaang lungsod, isasara na rin ang Gov. Pascual Street, mula Bacog hanggang A. Santiago Street, sa tanghali ng October 31, hanggang November 2 ng hatinggabi.
Para naman mapanatiling maayos, ligtas, at taimtim ang paggunita ng Undas ay pinayuhan na ang mga magtutungo sa sementeryo na sumunod sa patakaran at huwag magdala ng mga ipinagbabawal gaya ng inuming nakalalasing, kahit anong uri ng patalim o matutulis na bagay at mga kagamitang lumilikha ng malakas na ingay. | ulat ni Merry Ann Bastasa