Nagsagawa ng dayalogo ang Philippine Competition Commission (PCC) at National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) upang pag-usapan ang findings ng competition impact assessment hinggil sa regulasyon sa importasyon ng isda.
Ayon sa PCC, posibleng may mga concerns sa kompetisyon sa pagpapatupad ng dalawang
Fisheries Administrative Order (FAO) na nagtatakda ng mahigpit na alituntunin sa pag-aangkat ng sariwa, frozen, at iba pang aquatic products.
Ang mahigpit na rekisto sa pag-iimport ng ilang uri ng isda ay maaring magresulta ng kakulangan sa suplay, limitadong pagpipilian ng mga mamimili, at hindi pantay na kompetisyon na pabor sa mga malalaking institution.
Ayon sa NFARMC, kasalukuyan nilang pinag-aaralan ang pagpapabuti ng patakaran sa importasyon ng isda partikular ang paggamit ng digital reporting.
Kapwa nagkasundo naman ang dalawang ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy ang usapin ukol sa polisya sa kompetisyon sa sektor ng pangisdaan at magtulungan sa mga susunod na pananaliksik upang isulong ang innovation, sustainability at patas na kalakalan.
Ang PCC ay nagsasagawa ng mga strategic dialogue sa mga patakaran upang tiyakin na mahusay ang kompetisyon sa merkado at ekonomiya. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes