Aabot sa mahigit dalawang milyong pasahero ang inaasahang buhos ng pasahero ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ngayong Undas 2024.
Base sa kanilang tala, nitong 2023, nakapag-record sila ng 2.1 million passengers na bumyahe mula October hanggang November.
Ito ay mas mataas sa 1.9 million na kanilang naitala noong 2022.
Ngayong taon inaasahan ng CAAP na makakapagtala sila ng 7% to 10% increase mula sa 2.1 million passengers noong 2023.
Dahil dito ay nagtaas na ng alerto ang CAAP sa lahat ng paliparan nito bilang pagtitiyak sa kaligtasan ng lahat. | ulat ni Lorenz Tanjoco