Nagbigay direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission na magsagawa ng pag-aaral hinggil sa pagpapatupad ng moratorium sa pagbabayad ng kuryente.
Saklaw ng moratorium ang mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Kristine partikular na ang mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Ang pansamantalang hindi muna pagbabayad ng kuryente ng mga residenteng nasa apektadong lugar mula ngayong buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.
Ayon sa Pangulo, ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na matulungang bumangon ang mga residenteng pininsala ng nagdaang kalamidad.
Nabatid na maraming lugar sa Luzon ang lubog sa baha dahil sa nagdaang bagyo. | ulat ni Alvin Baltazar