Makikipagpulong ang Department of Agriculture sa mga presidente ng malalaking palengke sa Metro Manila sa susunod na linggo.
Aalamin ng DA kung bakit nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa kabila ng pagbawas na ng taripa ng pangunahing pagkain.
Sa inorganisang pulong kamakailan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa rice importers mula sa Bulacan, sinabi na ng traders na naibaba na nila ang presyo sa P38 kada kilo ng bigas.
Binanggit ni Laurel ang pangangailangang kumonsulta sa market leaders upang malaman ang mga dahilan sa likod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
Bukod sa konsultayson, inatasan din ng DA chief ang Agribusiness and Marketing Assistance Service na magsagawa ng random inspection sa public markets.
Ito’y para mangolekta ng datos ng presyo at matukoy ang mga kinakailangang aksyon na pinahihintulutan ng Price Act of 1993.
Giit pa ng kalihim, ang commitment ng departamento na tugunan ang mga isyung ito at hindi dapat magdusa sa kasakimang ito ang mga mamimili. | ulat ni Rey Ferrer