Large-scale water impounding facility sa Bicol, itinutulak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ngayon ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang pagtatayo ng malaking water impounding facility bilang solusyon sa pagbaha sa Bicol region.

Ayon kay Co, maliban sa pagtugon sa baha, makatutulong din ang pasilidad sa pag-iimbak ng tubig para sa panahon ng tag-tuyot na magagamit sa irigasyon ng mga sakahan at maging sa mga kabahayan.

“The stored water can be a valuable resource during summer, providing both irrigation and drinking water. This initiative supports both food security and climate resilience for the region…By improving irrigation, we can aim for two to three rice croppings per year, much like Japan.” Sabi ni Co

Sabi ni Co, maaaring gayahin ang anim na palapag na lalim na impounding structure sa Bonifacio Global City na nagsisilbing imbakan ng tubig ulan.

Pagbabahagi pa ni Co, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggawa ng tunnel system sa kabundukan ng Bicol para mapabilis ang pagdaloy ng tubig patungo naman sa karagatan.

“These tunnels would act like a flush system, allowing us to release excess floodwater during extreme weather events,” paliwanag niya.

Muli ring nilinaw ni Co ang alegayson na may P61 bilyong inilaan sa Bicol.

Aniya, ang pondong ito ay ginamit hindi lang para sa flood control project ngunit pati sa kalsada, ospital, government buildings at mga eskuwelahan sa 17 distrito ng Bicol, anim na probinsya at pitong lungsod. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us