Nasa 171 sangay ng Mercury Drug Stores sa buong bansa ang tatanggap na ng guarantee letters (GLs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), simula Nobyembre 4.
Ayon kay DSWD Undersecretary for Operations Monina Josefina Romualdez, ang partnership na ito ay patunay sa pagsisikap ng DSWD na unahin ang kapakanan ng mga individual in crisis situation.
Sa pamamagitan nito, tiyak nang matutugunan ang kanilang mga medikal na pangangailangan.
Ilan sa mga sangay ng Mercury Drug Store na nag-accommodate ng DSWD-issued GLs mula sa Central Office ay Fairview-Commonwealth, Ever Gotesco Commonwealth, Tandang Sora –Visayas, at Marikina-J.P. Rizal.
Ang DSWD-issued GLs mula sa DSWD Field Office-National Capital Region ay tinatanggap lamang sa Quiapo-Plaza Miranda branch.
Maaari ding makipag-ugnayan sa alinmang DSWD Field Office sa kanilang lugar ang ibang benepisyaryo mula sa ibang rehiyon, para sa kumpletong listahan ng Mercury Drug Stores o mga pharmacy na tumatanggap ng DSWD-issued GLs. | ulat ni Rey Ferrer