Nanawagan si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa PAGASA na sikaping makapagbigay ng malinaw at detalyadong weather forecast ngayong naghahanda ang bansa sa pagdaan ng bagyong Leon.
Ito aniya ay para mapaghandaan ng maayos ng publiko ang bagyo at mabawasan ang malalang epekto nito.
Giit ni Tolentino, hindi lang dapat maglabas ng signal warning number ang PAGASA…
Dapat rin aniyang makapaglabas sila ng inaasahang dami ng tubig ulan na babagsak, gamit ang mga terminong madaling mauunawaan ng taumbayan.
Sinabi ng senador, na maaaring sabihin ng weather bureau na ang ulan na babagasak ay tatlong beses na mas marami kumpara sa karaniwan o kaya magbigay ng ibang mas klarong indicators.
Sa pamamagitan nito, ayon sa majority leader ay makapagliligtas ng mas maraming buhay. | ulat ni Nimfa Asuncion