Nakipag-usap na ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur sa DPWH upang makapagpadala ng heavy equipment para mapabilis ang ginagawang clearing operations sa mga daan.
Ayon kay CamSur Rep. LRay Villafuerte, paparating na ang kagamitan ng 5th District Engineering Office para alisin ang mga nakahambalang sa kalsada patungo ng Itangon at Caorasan sa Bula, Camarines Sur.
Sa ngayon nananatiling isolated ang dalawang barangay na ito kaya naman idinaan sa airlift ang mga relief goods.
Kasabay nito nagpasalamat rin si Villafuerte sa DOH mataapos tugunan ang request na makapagpadala ng Doxycycline sa mga local na pamahalaang naapektuhan ng pagbaha dahil sa bagyong Kristine.| ulat ni Kathleen Forbes