Isang inter-agency meeting ang ikinasa ng lokal na pamahalaan ng San Pedro Laguna kasama ang DWPH, NDDRMC at Laguna Lake Development Authority para makapaglatag ng pangmatagalang solusyon hinggil sa pag-baha.
Ayon kay Laguna 1st district Rep. Anne Matibag, kabilang sa napag-usapan ang pagpapatupad ng pangmalawakang catch basin project, pagsasaayos ng drainage, dagdag na pumping stations at flood gates.
Noong kasasgsagan ng bagyong Kristine, 11 sa 27 barangay sa San Pedro City ang binaha, lalo na ang mga malalapit sa Laguna Lake.
Umaasa si Matibag na kung maisakatuparan ito ay matigil na ang pag-baha lalo na sa panahon ng tag-ulan at kapag may malakas na bagyo.| ulat ni Kathleen Forbes