Binigyang-diin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Office of the Civil Defense (OCD) ang kahalagahan ng Geohazard Maps sa paghahanda sa mga paparating na bagyo.
Sa pulong balitaan sa OCD ngayong hapon, sinabi ni Asec. Michael Cabalda ng DENR, ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ay nakagawa na ng 1:10,000 scale geohazard maps na sumasakop sa buong Pilipinas.
Ang mga mapang ito ay ginagamit kasabay ng weather forecast ng PAGASA upang matukoy ang mga lugar na posibleng makaranas ng matinding pagbaha at landslide.
Dagdag pa ni Usec. Ariel Nepomuceno, Administrator ng OCD, ang detalyadong impormasyon mula sa MGB, kabilang ang mga lugar na madalas bahain, ay malaking tulong sa kanilang disaster preparedness efforts at sa mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa DENR, mayroon nang geohazard map ang bawat munisipalidad, lalo na ang mga lugar na malapit sa ilog, creek, at mga bulubunduking lugar na prone sa pagguho ng lupa.
Patuloy naman ang pag-update ng mga geohazard map at mahigit 50% na ang natapos sa 1:10,000 scale mapping sa buong bansa.
Inaasahang matatapos ito sa taong 2028.| ulat ni Diane Lear