Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na maayos nilang napananatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Mula July 1, 2022 hanggang July 28, 2024, bumaba ng 61.87% ang total index crimes, batay sa datos ng PNP.
Kumpara ito sa parehong panahon noong 2016 hanggang 2018.
Kabilang sa mga krimen na bumaba ay ang crimes against persons, tulad ng murder, homicide, physical injuries, at rape, na may 55.69% na pagbaba.
Bukod sa pagbaba ng bilang ng krimen, mas mahusay din ang operasyon ng PNP ngayon. Tumaas ng 27.13% ang Crime Clearance Efficiency rate at 10.28% naman ang Crime Solution Efficiency rate. | ulat ni Diane Lear