Sen. Raffy Tulfo, nagsagawa ng surprise inspection sa mga bus terminal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng surprise inspection si Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Raffy Tulfo sa mga bus terminal kahapon sa kamaynilaan, bilang paghahanda sa dagsa ng mga motorista ngayong undas.

Kasama ni Tulfo na nag inspeksyon ang mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa kanyang pag iikot, nasita ng senador ang iba’t ibang mga violation ng mga bus na nakatakdang bumiyahe papuntang mga probinsya.

Kabilang sa mga napansin ng mambabatas ang kakulangan ng fire extinguisher, kawalan ng emergency exit, pudpod na mga gulong, kawalan ng CCTV cameras, first aid kits at insurance policies.

Napansin rin ni Tulfo na walang preventive maintenance book ang ilang bus, na nagsasaad kung ang isang bus ay regular at maayos ang maintenance.

Photo courtesy of Senate of the Philippines Facebook page

Nirerekomenda naman ni tulfo sa mga bus operator ang pagkakaroon ng hand held metal detector para sa mga security guard.

Pinatitiyak rin ng senador ang pagkakaroon ng upuan para sa mga PWD at senior citizen sa mga bus, at pagiging malinis ng mga palikuran sa mga terminal. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us