Naglabas ng abiso ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay sa mga alituntunin para sa mga bibisita sa Pasig City Cemetery Barracks sa Undas 2024.
Batay sa abiso, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga construction materials sa naturang sementeryo simula ngayong araw.
Habang ang pagkukumpuni, pagpipintura, at paglilinis ng mga museleo, lote, at nitso ay papayagan na lamang hanggang October 31.
Samantala, ang huling araw ng paglilibing sa Barracks ay sa October 30 upang magbigay-daan sa pag-obserba ng Undas. Muling pahihintulutan ang paglilibing sa November 3.
Para naman sa mga bibisita sa kanilang mahal sa buhay sa Pasig City Cemetery Barracks sa Undas ang kanilang operasyon:
October 31 – 6:00 AM hanggang 10:00 PM
November 1 – 24 oras
November 2 – 6:00 AM hanggang 10:00 PM
| ulat ni Diane Lear