QC LGU, nagbigay ng gabay para sa mga magtutungo sa Bagbag at Novaliches Cemetery

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng gabay ang Quezon City Government para sa mga magtutungo sa Bagbag at Novaliches Public Cemetery ngayong Undas.

Layon ng QC LGU na maging mapayapa at maayos ang pagpunta ng pamilya sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay.

Sa lahat ng dadalaw sa dalawang sementeryo, magbubukas ito ng alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3.

Hindi na rin papayagan ang interment operations sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3, pati na ang private parking sa loob ng mga sementeryo.

Ayon sa LGU, hanggang bukas na lang, Oktubre 30 ang huling araw ng paglilinis sa mga puntod.

Samantala, para naman sa Baesa Columbarium, isasara ito sa publiko sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3.

Pero tuloy naman ang mga nakatakdang cremation sa crematorium dito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us