Nasa 100 galon ng malinis na inuming tubig ang inihanda ng Ako Bicol Party-list katuwang ang Office of the Speaker para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Donsol, Sorsogon.
Ngayong umaga ibibiyahe ang inuming tubig pa-Barangay Banuang Gurang, kasama ang nasa mahigit 200 foodpacks mula DSWD.
Dumating na rin sa Bicol ang mga modular tents at kumot na ipapamahagi sa mga LGU para mas maging kumportable at magkaron ng privacy ang mga pamilyang nananatili pa sa evacuation centers sa tulong pa rin ng tanggapan ng House Speaker.
Opisyal na ring nai-turnover sa Camarines Sur 2nd District ang walong rubber boats na pantukong sa ginagawang relief operations sa mga lugar na lubog pa rin sa tubig baha. | ulat ni Kathleen Jean Forbes