Ramdam na rin ang epekto ng bagyong Kristine sa presyo ng mga gulay sa iba’t ibang pamilihan.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Pasig City Mega Market, tumaas ng ₱20 o higit pa ang presyo ng gulay dito.
Ang kamatis na dating ₱70 ang kada kilo, ngayon ay nasa ₱100 na ang kada kilo.
Bawang ay nasa ₱150 ang kada kilo habang ang sibuyas ay nasa ₱120 na ang kada kilo mula sa dating ₱100.
Tumaas din ang presyo ng bell pepper na nasa ₱330 ang kada kilo at luya na nasa ₱260 hanggang ₱300 kada kilo.
Gayundin ang carrots na nasa ₱150 na ang kada kilo mula sa dating ₱100, talong ay nasa ₱120 ang kada kilo.
Repolyo at pechay Baguio ay nasa ₱160 na ang kada kilo, patatas ay nasa ₱70 kada kilo.
Habang ang sayote ay nasa ₱70 na ang kada kilo.
Nangangamba naman ang mga nagtitinda ng gulay na lalo pang tumaas ang presyo ng kanilang paninda ngayong nagbabanta ang bagyong Leon. | ulat ni Jaymark Dagala