Nasa 859 na pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristine ang naabutan ng tulong ng Tingog Party-list mula sa Bgry. Putatan sa Muntinlupa City.
Katumbas nito ang 2,875 indibidwal na nakatangaap ng relief packs na naglalaman ng essential supplies gaya ng pagkain.
Mismong si Tingog Party-list Representative Jude Acidre ang nanguna sa pamamahagi ng tulong.
Sinundan naman ito ng relief payout para sa mga pamilya sa San Juan na sinalanta noon ng bagyong Carina.
Kabuuang 2,761 na benepisyaryo ang nakatangaap ng tig-₱3,000 na tulong pinansyal sa pamamagitan ng AKAP Program. | ulat ni Kathleen Jean Forbes