Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na tigil-operasyon ang Pasig River Ferry Service sa unang 2 araw ng Nobyembre.
Ito’y bilang pagbibigay daan sa mga tauhan ng Pasig River Ferry Service na makasabay sa paggunita ng mga Pilipino sa UNDAS.
Dahil dito, hanggang bukas, Oktubre 31 na lamang ang regular na operasyon ng naturang Ferry Service upang maalalayan pa rin ang publiko na nais gumamit ng nasabing serbisyo.
Samantala, una na ring inanunsyo ng MMDA na suspendido ang Number Coding Scheme sa Nobyembre 1 na deklaradong Special Non-Working Day. | ulat ni Jaymark Dagala