Umaasa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kooperasyon ng publiko na para sa isang mapayapa at ligtas na paggunita sa Undas 2024.
Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na umaasa itong susunod ang mga bibisita sa kanilang mga yumao sa mga patakaran sa sementeryo lalo na sa mga ipinagbabawal.
Hinikayat din nito ang publiko na manatiling mapagmatyag lalo na sa mga kriminal at scammer na mananamantala sa malaking bilang ng tao sa sementeryo.
Inatasan naman na ng kalihim ang mga LGU na iconvene ang kanilang Local Peace and Order Council at magdeploy ng traffic enforcers, barangay tanods, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), medical personnel, at force multipliers sa mga sementeryo, at kolumbaryo.
Una na ring tiniyan ng Philippine National Police (PNP) ang security measures nito ngayong undas na magdedeploy ng 27,000 police officers nationwide.
Maging ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang maglalaan din ng tulong sa mga LGUs. | ulat ni Merry Ann Bastasa