Hindi ipinagdadamot o itinatago ng Quad Comm sa Senado ang address ng mga resource person na humarap sa kanila kaugnay sa isyu ng extrajudicial killings at war on drugs.
Ito ang paglilinaw ni Quad Comm co-chair Dan Fernandez matapos makwestyon ng Senate Blue Rubbon sub-committee kung bakit hindi tumugon ang komite nang hingin ang address ni Kerwin Espinosa gayudin sa kung bakit hindi nakadalo si Jimmy Guban sa kanilang pag-dinig noong Lunes.
Paliwanag ni Fernandez, ipinapadaan nila sa PNP ang paghahatid ng mga imbitasyon sa mga resource person at wala aniya sa kanila ang address ng mga ito.
“…ang ating Com Sec, they course it through the PNP, hindi naman tayo ang direct na nag imbeta kay Kerwin Espinosa, ang nag invite don is PNP, so dapat ganun din ang gawin ng senado, wag nilang I coursed through sa atin, I course through na lang nila sa PNP.” ani Fernandez
Pagdating naman aniya kay Guban, ang BuCor ang may hawak sa kaniyang kustodiya kaya dito aniya dapat sumulat ang Senado.
“And kay Jimmy Guban, ico-course through nila yun sa BuCOR…kasi ang may responsibility yung protection and security ng mga PDL’s is under the BuCor not with the House of Representatives.” paliwanag pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes